okay...wala lang talaga ako magawa ngayong araw na 'to.Hindi ko alam kung ano gagawin ko kasi malapit na rin ang pasukan kaya natataranta na rin ako.Haii...speaking of pasukan sa lunes na 'yon.Eeee...sCary!Scary talaga kasi bago na naman ang mga classmates ko tapos bagong adviser bagong subject teachers mas mahirap na lessons mas exciting na P.E. at mas maraming activities and projects.
Nung nakuha ko na yung mga books ko for this coming school year ~(wahaha..3rd year na ko!)~medyo nakaramdam ako ng takot na baka 'di ko mapasa yung mga subjects at saka baka maging disaster ang buong school year.Tingnan mo na nga nakita ko pa lang yung mga libro yan na agad ang naramdaman ko,e paano pa kaya kung nasa school na 'ko? Naku,bahala na.
~~~~~~~
Kanina bago ako mag-online at mag-blog nagbabasa ako ng libro at ang sabi doon "...sa ibang bansa hinihikayat ng bawat mamamayan na umangat sa katayuan sa buhay ang kapwa nila." Oo nga naman.Dito sa atin kapag umangat ang isang tao hinihila siya pababa.Ansama,'di ba?
Umm..wala lang.Naikwento ko lang.
~~~~~~~
alis na'ko
byebye!
Friday, June 03, 2005
Subscribe to:
Posts (Atom)