Wednesday, May 11, 2005
n0itaCav
PAALALA: sa mga masugid kong mambabasa pasensys an dahil hindi laging nag-uupdate dahi sa totoo lang ay ako ay isang napaka-busy na tao...alam nyo na..iba na talaga kapag...ahem
haii...summer na! ramdam mo?Ako oo!..Pag summer naglalabasan na mula sa epidermis ko ang mga buwisit na bungang-araw,nanunuyot na ang lalamunan ko,nakakaubos ako ng isanfg kaing ng prutas,maraming naglipana na nagtitinda ng ice candy ice tubig ice cream ice scramble ice at iceberg (huh?)...Laht yan pansin ko na kasi nga summer na!
Kapag sinabi mong summer ang translation niyan sa mga estudyante,gimikero at gimikera ay
B-A-K-A-S-Y-O-N.Syempre nandiyan naglalabasan ang mga oportunistang sabik na lumabas sa hawla nila at sabay sumusigaw ng "sa wakas summer na...laya na 'ko!" Hmpp..parang bagong layang kriminal.
Excited akong sumapit ang baksyon nung first half ng school year.Kaso nga lang ngayon ayoko na.Sa ngayon patuloy akong nagpupumiglas sa bangis na dulot ng bakasyon.Ang bangis na tinutukoy ko ay pamatay talaga! Para itong monster na lalamunin ka hanggang sa kaduluduluhan ng kuko mo at sisipsipin hanggang sa kahulihulihang patak ng dugo mo!Hindi mo to maiiwasan.At kung ako ang tatanungin nyo,kasalukuyan lang naman akong nakikipagsapakan sa walang iba pa kundi si---drum roll please---BOREDOM.
boring talaga pag bakasyon kasi wala kang magawa.Kaya nga ngayon trend na ang mga lesson ekek.Parang krimen na naglipana ang mga yan.Mapang-akit.Nakaka-engganyo.
Ah nga pala,di na rin ako nakatiis...nag-lesson narin ako.Ayon ayos lang naman...saya.Twice a week akong nasa mall.Pagkatapos ng isang oras na pagpapadugo sa mga daliri ko...hehe..let the game begin!Arcade naman ang sunod na sinusugod ko.Tapos pag ubos na ang pera..umm..pahangin-hangin!
(Paalala lang: Kung binabasa mo to teacher,hehe..pasensya na.Pero sa halip na magalit ka ehmagapsalamat ka sa akin kasi ngayon sikat ka na! nyahaha n_n)
Ang pangalan ng masigasig kong guro ay Robert.Sya lang naman ang dahilan kung bakit patuloy na nagdudugo ang mga daliri ko. Honestly,hindi sya thoughtful hindi pa punctual.Nung first day nga namin late sya ng 10 minutes.Tapos para wala lang ako sa kanya nung nakita nya ko.Ni hindi man lang nag-hello.Sa isang oras na lesson namin,wala lang.Tinititigan nya lang ako at biglang magbibitaw ng mga salitang di ko naman na-gets.Samantalang ako tulirong tuliro sa pinagagagawa ko. Sabi nya pagka hindi mo daw masakyan ang isang tao ngitian mo na lang.Oo totoo yon!Kaya nga ngawit na ang panga ko kakangiti sa kanya(kala nya sya lang ang sumasakay...ako rin noh!)
Pero sa totoo lang malaki akong pasakit sa kanya.
(madyo ma-drama itong part na'to)
Hindi ako fast learner tulad ng sabi ng iba.Kapg sinasabi nya na mag-practice ako...ahem..hindi dibdiban ang ginagawa ko.Tapos ang yabang ko pa
Hehe..sorry teacher!!!Isa akong malaking buraot sa 'yo.
Last session na namin sa May 12...birthday ko mga pare.Anlupit! Tatanda na naman ako.
Yung ibang teacher nagbibigay ng regalo kapag nalaman nilang birthday mo.
Hehe..nagpaparamdam lang!hindi naman ako mukhang regalo mukha akong maganda parang diyosa!
xCss: ang ayoko sa lahat kapag bakasyon e yung matagal-tagal ko ring hindi makikita si...
Haii...pagod na ako!Dami na akong nasabi.Next time naman.
hasta la vista!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
aus robert pala pngln ng t-cher mu.. hihihi. cge lgyn m ln lge ng bndaid kung mgdugo.. pakalyuhin mu!!! hahahaha bye utol labshoo..
Post a Comment